Skwela

15 January 2008

This update would act as a '"filler" so my readers know that I'm trying to update this blog as much as I can. Heh! The real update would probably come sooner.. I hope. For now, enjoy my little drama.

~ o ~ o ~ o ~ o ~

Kumukurap-kurap,
Antok ay pilit di pinupuna
Nasan na ang takdang aralin?
Naka-ilang pilas na papel na ba,
Pati bolpen ay ubos na.
Walang katapusan na pag-sulat
Ang aking utak ay lusaw na.

Teka, umaga na pala.
Ang magpuputo’y karibok na.
Ngunit problema’y di pa rin tapos.
Baket may blankong papel sa aking harap?
Ganun na ba ako kahina,
Ni simpleng aralin ay di makuha?
Kahit kakaunting katalinuhan,
Baket ako pinag-kaitan?

Hindi makapag-isip ng ayos,
Ano ba talaga kuya?
Lahat ng santo ay natawag na.
Sinabayan na nga ng nobena ni ina.

Paano na kaya ako mamya,
Mangyari man na tawagin ako ni sir,
Hanggang ngiti nalang ba ako? Sabay upo?

Baket nga ba ako nagkaganito?
Nasabi ko na minsan sa aking sarili,
Lahat nang ito ay aking kakayanin.

Ngunit di maiiwasan sa mga oras na ito,
Halos ako’y magka-loko loko
Dumudugong utak,
Mata’y pilit pa rin minumulat
Kung maawa man at mahabag,
Isa lang ang tanging hiling.
O, Matematika, ika’y lumayo na sa akin.

~ o ~ o ~ o ~ o ~

So now you ALL know my favorite subject. Thank you for leaving feedbacks!!! *wink*wink* I appreciate all of them!


A QUICK REMINDER:
If you want to use this piece--either in full or part--please let me know and give proper credit to the author. Better yet, link back to this blog.

Ang Uban Ni Inay

11 January 2008

Minsan nang natikman ang walis tambo,
Hagupit na malupit, sakit ay di mawari.
Nakakatakot na boses, buong bahay ay dagundong.
Wag mong masagot-sagot, tiyak ikaw ay may sapok.

Minsan nang di nagkaunawaan ni kapatid.
Hindi namalayan, sa kanyang buhok naituon ang aking galit.
Maya’t maya’y andyan na ang inay at lumusob,
Mangangatwiran na’y, payong ang sa aki’y humambalos.

Macho macho mama, ang sakanya ay turing
Ngunit huwag kukutyain, tanging sandigan namin.
Pitong anghel, kung kami ay tawagin.
Sa pawis ni ina, lumaki at guminhawa.
Galing man sa hirap, hindi sya nagpabaya.

Minsan nang napagmasdan ang sumibol na uban ni Inay,
Puso’y biglang kumirot sa aking nakita,
Ilang taon na nga ba, at ilang taon pa nga ba?
Ayoko man isipin, lungkot ay lalong lumalalim.

Nais ko sanang bunutin, na tila ba pag nawala,
Ang katotohanan ay maiiwasan na din.
Dahan-dahan aking inaabot,
At nang mahawakan na, si Inay ay biglang sumimangot.

Sa kanyang sagot, ako ay natigilan
Tanggapin ang buhay ng walang kinakatakutan.
Wala nang papares sa aking Inang huwaran,
“Magpapa-tina ako, wag mo yang pakialaman.”


~ o ~ o ~ o ~ o ~


So this is one of my new year's resolution, that I should start writing poetry again... at least 3 times a week? Nooo.... I'm not sure if I can do it.. but we'll see... I'm not gonna post all of it.. just the ones that I think would be worth reading.. So if you like it, leave me a feedback people!!! Thank you!!!


~ o ~ o ~ o ~ o ~


A QUICK REMINDER:
If you want to use this piece--either in full or part--please let me know and give proper credit to the author. Better yet, link back to this blog.