Joke Lang Po

25 May 2008

I was bored at home one night... so I started typing something out.... here's what I came up with.

~ o ~ o ~

Tila yata naubos na ang mga salita’t talinhaga.
Mumunting alay sa irog, animo’y biglang naglaho.

Lumipas na nga ba, pag-ibig na nadarama,
O ang sakit ang nagtakot, para ito’y iwasan na?

Hindi man ninais, iwasan ang wikang gamit.
Pilit na binubura, pagka’t ikaw lagi ang naaalala

Sa wikang ito, napagmasdan ang ngiti mo.
Sa aking munting tula, tila ika’y napaamo.

Guni-guni ko nga lang ba, ang lahat ng ito,
Hatid ng pusong halos mabaliw sa iyo?

Guni-guni ko lang ba, nang sabihing ako’y mahal mo
Dios mio, tunay nga kayang pag-ibig na ito?

Ngunit sa aking pagkahibang, di pansin ang iyong tawa,
Hindi alintala kutya at halakhak ng iyong barkada.

At sa iyong pagpunit ng aking munting handog
Ngumiti ka at sinabing, “joke, joke, joke.”

~ o ~ o ~ o ~

A QUICK REMINDER:
If you want to use this piece--either in full or part--please let me know and give proper credit to the author. Better yet, link back to this blog.

0 comments: